Healthy Seed

安撫哭啼嬰兒的方法(菲律賓語)收藏

安撫哭啼嬰兒的方法(菲律賓語)分享

成長學習 | 0至12個月

合作伙伴衞生署家庭健康服務提供

安撫哭啼嬰兒的方法(菲律賓語)

22.03.2023

在【外傭實用資訊】欄目中,有多則由衞生署家庭健康服務提供,照顧嬰幼兒日常生活的影片或文章供外傭參考和學習,例如想知道怎樣正確安撫嬰兒哭啼?立即看看影片。

家長們如果都想知道安撫哭啼嬰兒的方法,可瀏覽以下中文版本的連結:

http://bit.ly/3TBGkTr

 

Titulo: Paano patahanin ang isang umiiyak na sanggol

 

Tagapagsalaysay: Ano ang gagawin mo kapag umiiyak ang iyong sanggol?

 

Eksena: Pupunta si Daddy sa kuna kapag umiiyak ang sanggol. Titingnan at papalitan niya ang basang diaper, pagkatapos ay marahang ihehele ang sanggol sa kanyang mga bisig.

 

Tagapagsalaysay: Una sa lahat, kailangan mong alamin kung bakit umiiyak ang iyong sanggol. Maaaring imiyak ang isang sanggol upang ipahiwatig ang kanyang pangunahing mga pisikal na pangangailangan, halimbawa, umiiyak siya kapag siya ay nagugutom o kapag hindi komportable sa kanyang basing diaper. Sa ibang pagkakataon, maaaring kailangan ng iyong sanggol na makaramdam ng seguridad mula sa iyong yakap at pagiging malapit sa pisikal. Dahil ang pag-iyak ng sanggol ay may pangunahing function sa pagpapahiwatig ng kanyang mga kailangan, huwag mag-alala na aliwin siya lagi at kargahin siya kapag kailangan niya ng iyong pagpapakalma. Aabot muna ng 8 hanggang 9 na buwang gulang ang sanggol bago siya magkakaroon ng kakayahang umiyak para makuha ang atensyon mo. Kaya hindi mo pinapalayaw ang iyong sanggol sa pamamagitan ng pagkarga sa kanya. Maaari mong suriin ang pangangailangan ng iyong sanggol nang sunud-sunod bago mo siya kunin.

 

Eksena: Sinusuri ni Daddy ang leeg at likod ng sanggol upang tingnan kung masyado siyang mainit.

 

Tagapagsalaysay: Sumubok ng isang pamamaraan sa bawat pagkakataon para pakalmahin ang iyong sanggol. Dito ay malalaman mo kung ano ang mabisang paraan upang makontrol ang pag-iyak ng iyong sanggol.

 

Eksena: Kukuni ni Daddy ang sanggol pagkatapos suriin ang iba't ibang posibilidad.

 

Tagapagsalaysay: Iwasang masyadong mag-alala at magmadali. Ang paggawa ng maraming bagay nang sabay-sabay ay labis na magpapaalburoto lamang sa iyong sanggol at mas makakaramdam siya ng tensyon at pagiging hindi komportable. Kung patuloy na titindi ang pag-iyak ng iyong sanggol matapos mong subukan ang mga pamamaraan sa itaas, maaari mayroon siya ng tinatawag nating infant colic o kabag. Kung gayon, maaaring mo siyang kargahin nang tuwid sa iyong dibdib at balikat. Marahang i-duyan o alugin. Bagalan ang iyong paggalaw kapag kumalma na ang iyong sanggol. Kung hindi mo pa rin malaman kung bakit patuloy na umiiyak ang iyong sanggol, maaari mong subukang bigyan siya ng pacifier para maging komportable sa pagsipsip. Kung pinapasuso mo ang iyong sanggol, huwag siyang bigyan ng pacifier dahil magdudulot ito sa kanya ng pagkalito sa utong. Bigyan lamang siya ng pacifier pagkatapos niyang lumagpas sa isang buwang gulang. O maaari mong ilagay ang iyong sanggol sa isang rocking chair. Ilan lamang ito sa mga suhestiyon sa pagpapakalma ng umiiyak na sanggol. Maaari kayong magbahagian ng mga paraan sa iyong pamilya, kamag-anak at kaibigan kung paano magpatahan ng isang sanggol. Anumang pamamaraan ang iyong susubukan, dapat manatili ka laging kalmado at unahin ang kaligtasan ng iyong sanggol. Kung nag-aalala ka at nababahala tungkol sa hindi mapatahan na pag-iyak ng iyong sanggol, dalhin siya sa center para sa kalusuan ng ina at anak o komunsulta sa inyong family doctor o pediatrician.

 

以上影片由衞生署家庭健康服務提供

© 2023 Healthy Seed

Healthy Seed