Healthy Seed

幫幼兒同奶瓶講「拜拜」(菲律賓語)收藏

幫幼兒同奶瓶講「拜拜」(菲律賓語)分享

成長學習 | 0至12個月,1至2歲

合作伙伴衞生署家庭健康服務

幫幼兒同奶瓶講「拜拜」(菲律賓語)

27.03.2023

在【外傭實用資訊】欄目中,有多則由衞生署家庭健康服務提供,照顧嬰幼兒日常生活的影片或文章供外傭參考和學習,例如想知怎樣幫幼兒停用奶瓶?立即看看影片。

 

家長們如果都想知道以上內容,可瀏覽以下中文版本的連結:

http://bit.ly/3LUxoa3

 

Titulo: Pagpapaalam na sa feeding bottle

 

Hostess Dr Amy Fung Family Health Service, Department of Health: Hostess: Kapag kaya nang uminom ng iyong anak sa isang tasa, dapat tulungan mo siyang awatin sa bote. Dapat tumigil na ang mga bata sa paggamit ng bote sa oras na umabot sila ng labingwalong buwang gulang.

 

Tagapagsalaysay: Upang magsimula, bigyan ang iyong anak ng isang tasa ng gatas sa umaga. Painumin siya nang nakaupo sa upuan. Dapat samahana mo siya para iparamdam sa kanya na ligtas siya. Kapag umiinom siya ng gatas sa tasa, dapat mo siyang purihin. Maaari mo rin siyang painumin gamit ang straw. Kapag nasanay na siyang uminom ng gatas gamit ang mga tasa sa umaga, huwag na siyang bigyan ng bote bago matulog. Bigyan siya ng kalahating tasa ng gatas at ilang pagkain tulad ng tinapay. Pagkatapos niyang kumain, dapat mong sipilyuhin ang kanyang ngipin, at pagkatapos ay dalhin siya sa kama para kwentuhan bago matulog. Habang tumatahimik siya, makakatulog na siya.

 

Hostess Dr Amy Fung Family Health Service, Department of Health: Ang pag-awat mula sa bote ay bahagi ng paglaki. Nakakaiwas ito na magkaroon ang mga bata ng bulok na ngipin. Ang pinagsamang aksiyon ng mga miyembro ng pamilya ay tumutulong sa mga bata na maawat sa pagsuso nang maayos. Ang pag-aantala sa mga aksiyong ito mas magpapahirap sa pag-awat sa pagsuso kapag mas matanda na ang mga sanggol.

 

 

 

 

以上影片由衞生署家庭健康服務提供

 

 

© 2023 Healthy Seed

 

 

Healthy Seed