在【外傭實用資訊】欄目中,有多則由衞生署家庭健康服務提供,照顧嬰幼兒日常生活的影片或文章供外傭參考和學習,例如想知道幼兒家居安全貼士?立即看看影片。
家長們如果都想知道相關內容,可瀏覽以下中文版本的連結:
https://bit.ly/40onou3
Titulo: Ang Kaligtasan sa Bahay
Tagapagsalaysay: Pagiging ligtas sa bahay
Larawan: Ang isang batang babae (12 – 18 buwang gulang) ay nagdadala ng ilang laruan sa kanyang ama.
Larawan: Ang isang batang lalaki (12 – 18 buwang gulang) ay tumatakbo sa sala habang ang kanyang mga magulang ay nakatingin sa kanya.
Larawan: Ang isang batang lalaki (12 – 24 buwang gulang) ay umaakyat sa sopa
Larawan: Ang isang batang babae (18 – 24 buwang gulang) ay hinihila ang mga lubid ng kurtina
Tagapagsalaysay: Gustung-gusto ng iyong masiglang anak na tumakbo at tumalon sa paligid! Ngunit, wala siyang ideya sa anumang panganib sa kanyang paligid. Dapat kang manatiling alerto at regular na suriin ang mga hakbang sa kaligtasan sa bahay upang maiwasan ang anumang mga posibleng aksidente.
Pamagat: Pagtiyak sa Kaligtasan ng Iyong Anak
Tagapagsalaysay: Pagtiyak sa kaligtasan ng iyong anak
Sub-heading: Huwag iwanang mag-isa ang iyong anak sa bahay
Larawan: Lalabas na si Daddy, ang kanyang anak na lalaki (5 taong gulang) at anak na babae (3 taong gulang) ay nagpapaalam sa kanya. Malaking ekis.
Larawan: Lalabas si Daddy, si Mommy, ang kanyang anak na lalaki (5 taong gulang) at anak na babae (3 taong gulang) ay nagpapaalam sa kanya.
Tagapagsalaysay: Upang matiyak ang kaligtasan, huwag iwanang mag-isa ang iyong mga anak sa bahay o iwan sa pangangalaga ng mas matatandang mga bata. Tandaan, dapat mayroon silang kasamang isang adult sa lahat ng oras.
Sub-heading: First-aid kit
Larawan: First-aid kit
Tagapagsalaysay: Magtabi ng first-aid kit sa bahay kung sakaling may mangyaring mga maliliit na aksidente. Dapat na kalakip dito ang:
Sub-heading: Mga alcohol swab
Larawan: Mga alcohol swab
Tagapagsalaysay: Mga alcohol swab: para isterilisahin ang dalawang kamay bago magsagawa ng first-aid na paggamot.
Sub-heading: Gauze roller na bendahe
Larawan: Gauze roller na bendahe
Sub-heading: Elastic roller na bendahe
Larawan: Elastic roller na bendahe
Tagapagsalayasay: Gauze o elastic roller na bendahe: para bendahan ang isang sugat at pigilan ang pagdurugo sa pag-aplay ng presyur.
Sub-heading: Triangular na bendahe
Larawan: Triangular na bendahe
Tagapagsalaysay: Triangular na bendahe: para balutin ang mga nasugatang bahagi, lagyan ng suporta o ayusin ang mga nabaling paa't braso.
Sub-heading: Mga round-ended na gunting
Larawan: Mga round-ended na gunting
Tagapagsalaysay: Mga round-ended na gunting: para putulin ang adhesive tape, bendahe o damit kung kinakailangan.
Sub-heading: Disinfectant
Larawan: Disinfectant
Larawan: Saline Solution
Tagapagsalaysay: Disinfectant: para pang-disinfect at panlinis ng mga sugat.
Sub-heading: Isterilisadong dressing set
Larawan: Isterilisadongdressing set
Larawan: Isang binuksang isterilisadong dressing set
Tagapagsalaysay: Isterilisadong dressing set: upang linisin at takpan ang mga sugat.
Sub-heading: Isterilisadong gauze pad
Larawan: Isterilisadong gauze pad
Sub-heading: Non-woven na isterilisadong gauze pad
Larawan: Non-woven na isterilisadong gauze pad
Tagapagsalaysay: Isterilisadong gauze pad: upang takpan ang mga sugat.
Sub-heading: Esteril na bendaheng adhesive
Larawan: Esteril na bendaheng adhesive
Tagapagsalaysay: Isterilisadong adhesive na bendahe: Upang takpan ang mga maliliit na sugat.
Sub-heading: Plaster
Larawan: Plaster
Tagapagsalaysay: Plaster: para i-fix ang dressing
Sub-heading: Mga disposable na guwantes
Larawan: Mga disposable na guwantes
Tagapagsalaysay: At saka, mga disposable na guwantes
Sub-heading: 3-Ply na mga surgical mask
Larawan: 3-Ply na mga surgical mask
Tagapagsalaysay: at 3-Ply na mga surgical mask
Larawan: Nasugatan ang daliri ng isang batang babae (5 taong gulang) at humihingi ng tulong kay Daddy at Mommy.
Larawan: Nilagyan siya ng bendahe ni Mommy at ang first-aid kit ay nasa tabi niya.
Tagapagsalaysay: Dapat matuto ka ng mga kasanayan sa first-aid kit. Kapag nasaktan ang iyong anak, maaari mo siyang tulungan gamit ang first-aid kit at dalhin siya sa doktor kung kinakailangan. Kung malubha ito, dalhin kaagad ang iyong anak sa ospital.
Pamagat: Pagiging Ligtas ng Sala
Tagapagsalaysay: Pagiging ligtas ng sala.
Larawan: Sala
Tagapagsalaysay: Ang mga muwebles sa sala ay maaari ring maging sanhi ng mga pinsala.
Sub-heading: Pumili ng mga muwebles na walang matutulis na mga gilid
Larawan: Bilog na mesa
Tagapagsalayasay: Pag-isipan ang mga muwebles na walang matutulis na mga gilid bilang iyong unang pipiliin.
Sub-heading: Takpan ang mga matutulis na mga gilid gamit ang mga corner protector
Larawan: Mesa na may mga corner protector
Larawan: Drower na may mga corner protector
Tagapagsalayasay: Kung may mga matutulis na gilid sa muwebles, takpan ang mga ito ng mga corner protector.
Larawan: Ibabaw ng salamin. Malaking ekis.
Larawan: Mantel. Malaking ekis.
Larawan: Table mat. Malaking ekis.
Tagapagsalaysay: Dapat mong iwasan ang paggamit ng mga muwebles na may mga babasaging salamin sa ibabaw. Huwag gumamit ng mga mantel o table mat; ang lahat ay mahuhulog kung hihilain ang mga ito ng iyong anak.
Sub-headng: Gumamit ng mga natitiklop na mesa o upuan na may safety lock
Larawan: Natitiklop na Mesa
Larawan: Safety lock ng mga natitiklop na mesa (1), (2)
Tagapagsalaysay: Iwasang gumamit ng mga natitiklop na mesa o upuan maliban kung mayroon silang safety lock.
Sub-heading: Huwag magpapatung-patong
Larawan: Ipinatung-patong ang mga plastik na kahon. Malaking ekis
Larawan: Maiksing hagdan. Malaking ekis.
Tagapagsalaysay: Huwag iwanan ang mga hagdan sa paligid o magpatung-patong ng mga bagay, upang maiwasan ang pag-akyat at pagkahulog ng mga bata.
Sub-heading: Idikit ang mga sopa sa dingding
Larawan: Isang sopa na nakadikit sa dingding
Larawan: Isang batang lalaki ( (18 – 24 buwang gulang) na umaakyat sa sopa. Malaking ekis.
Tagasalaysay: Ang mga sopa ay dapat nakadikit sa dingding, dahil kung hindi, maaaring umakyat ang anak mo sa likod ng sopa at mahulog.
Sub-heading: Maglagay ng mga rehas sa mga balkonahe
Larawan: Isang balkonahe na may mga rehas
Larawan: Bukas ang pinto sa balkonahe. Malaking ekis.
Larawan: Naka-lock ang pinto sa balkonahe
Tagapagsalaysay: Upang matiyak ang kaligtasan ng iyong anak, dapat may mga rehas ang mga balkonahe at dapat naka-lock ang mga pintuan ng balkonahe sa lahat ng oras.
Sub-heading: I-install at i-lock ang mga window guard
Larawan: Isang window guard na may ruler
Larawan: Mga window guard
Larawan: Mga window guard na maaaring mabuksan
Larawan: Isang naka-lock na window guard (1)
Larawan: Isang naka-lock na window guard (2)
Tagapagsalaysay: Mag-install ng istandard na mga window guard sa lahat ng bintana. Tandaan, panatilihing naka-lock ang mga window guard sa lahat ng oras.
Sub-heading: Itali ang mga panali ng kurtina
Larawan: Malapitang-kuha ng mga nakataling panali ng kurtina
Larawan: Isang panali ng kurtina
Larawan: Hinihila ng isang batang babae (18 – 24 buwang gulang) ang panali ng kurtina. Malaking ekis.
Tagapagsalaysay: Ilayo ang mga panali ng kurtina para hindi maabot ng iyong anak at tandaan na itali ito. Ang iyong anak ay maaaring masakal at hindi makahinga kapag nasabit ang kanyang leeg sa mga panali.
Sub-heading: Mga door stopper
Larawan: Pinipirme ng isang door stopper ang posisyon ng isang bahagyang nakabukas na pintuan
Sub-heading: Mga magnet
Larawan: Pinipirme ng magnet ang posisyon ng isang nakabukas na pintuan
Tagapagsalaysay: Pinipigilan ang nakabukas na mga pintuan na magbukas-ara gamit ang mga door stopper o magnet.
Sub-heading: Mga hugis-U na door stopper
Larawan: Pinipigilan ng isang hugis-U na door stopper ang pagsara ng pintuan
Tagapagsalaysay: Ang mga hugis-U na door stopper ay makakatulong na maprotektahan ang mga daliri ng iyong anak mula sa pagkakaipit sa pintuan.
Sub-heading: Mga takip na pamproteksiyon sa socket
Larawan: Ang socket ay natatakpan ng isang takip na pamproteksiyon
Tagapagsalaysay: Gumamit ng mga takip na pamproteksiyon para sa mga socket.
Sub-heading: Ilayo ang mga electric extension unit
Larawan: Nasa ibabaw ng kabinet ang isang electric extension unit
Tagapagsalaysay: At panatilihing hindi maaabot ng iyong anak ang mga electric extension unit.
Sub-heading: Maglagay ng mga safety cover sa mga electric fan
Larawan: Nasa electric fan ang isang electric cover.
Larawan: Malapitang-kuha ng safety cover.
Tagapagsalaysay: Dapat mayroong safety cover sa isang electric fan.
Sub-heading: Ilayo ang bentilador para hindi maabot ng mga bata
Larawan: Nasa ibabaw ng kabinet ang isang electric fan
Tagapagsalaysay: At tsaka, tiyakin na hindi maabot ng iyong anak ang bentilador.
Sub-heading: Itabi ang mga posporo at pansindi nang maayos
Larawan: Isang kahon ng mga posporo at pansindi
Larawan: mga posporo at pansindi na inilagay sa isang drower
Tagapagsalaysay: Itabi nang maayos ang mga posporo at pansindi sa isang drower, na hindi naaabot ng mga bata.
Sub-heading: Ikabit ang mga seatbelt
Larawan: Nakaupo ang isang sanggol sa stroller, na nakakabit ang seatbelt.
Larawan: Nasa mataas na silya ang isang sanggol, na nakakabit ang seatbelt at naka-secure ang mga lock.
Larawan: Ang seatbelt ay nakakabit.
Tagapagsalaysay: Ikabit ang seatbelt kapag ang iyong anak ay nakaupo sa mga mataas na silya o stroller at i-secure ang booster seat.
Sub-heading: Ligtas na paggamit ng plantsa
Larawan: Pinipigilan ng Ina ang kanyang anak na lalaki (5 taong gulang) na lumapit sa kanya kapag siya ay namamalantsa ng damit.
Tagapagsalaysay: Wala dapat sa paligid ang mga bata kapag ikaw ay namamalantsa. Delikado kung mahahawakan ito ng iyong anak.
Larawan: Ang isang plantsa ay inilagay sa isang plantsahan. Malaking ekis.
Tagapagsalaysay: Kapag tapos ka nang gamitin ang isang plantsa, huwag itong iwanan sa paligid. Itabi ito nang maayos.
Sub-heading: Panatilihing malinis at maayos ang bahay
Larawan: Inaayos ng Ina ang bahay.
Tagapagsalaysay: Panatilihing maayos at malinis ang iyong bahay.
Huwag ikalat ang mga bagay sa paligid, kung hindi baka matisod ditto ang iyong anak.
Pamagat: Pagiging Ligtas sa Kusina
Tagapagsalaysay: Pagiging ligtas sa kusina.
Larawan: Isang makalat na kusina. Malaking ekis.
Larawan: Isang maayos na kusina.
Tagapagsalaysay: Ang isang kusina ay isa ring lugar na puno ng panganib.
Sub-heading: Mag-install ng isang tarangkahan
Larawan: Isang tarangkahan sa pintuan ng kusina
Larawan: Nasa tarangkahan ng pintuan ng kusina ang isang batang lalaki (18 – 24 buwang gulang).
Tagapagsalaysay: Mag-install ng isang tarangkahan sa pintuan ng kusina upang maiwasang makapasok ng iyong anak sa kusina.
Larawan: Sa kusina, kinakarga ni Mommy ang kanyang sanggol. Malaking ekis
Tagapagsalaysay: At tsaka, huwag dalhin ang iyong anak sa kusina. Maaaring abutin at hawakan ng mga bata ang mga bagay.
Sub-heading: Ipihit sa loob ang mga hawakan ng lutuan
Larawan: Ang hawakan ng lutuan ay nakaturo palabas ng kalan. Malaking ekis.
Larawan: Ang hawakan ng lutuan ay nakaturo sa loob ng kalan.
Tagapagsalaysay: Ang mga hawakan ng lutuan ay dapat na nakaturo sa loob ng kalan. Maiiwasan nitong mahila ng iyong anak at aksidente siyang mapaso.
Sub-heading: Takpan ang kalan.
Larawan: Natatakpan ang isang kalan.
Tagapagsalaysay: Kung may takip ang iyong kalan, gamitin ito kapag hindi ginagamit ang kalan.
Sub-heading: Ilayo ang mga mapanganib na item
Larawan: Nasa sabitan ang mga kutsilyo at gunting na nakalagay sa malayong sulok sa counter ng kusina.
Larawan: Nakadikit sa dingding ng counter ang de-kuryenteng takure.
Larawan: Nakalagay sa mataas ang first-aid kit.
Larawan: Nakalagay ang mga sabong panlaba sa loob ng isang kabinet.
Tagapagsalaysay: Ilagay sa lugar na hindi naaabot ng iyong anak ang lahat ng delikadong mga item, kabilang ang mga matatalim na kagamitan, mga gamot, de-kuryenteng takure, sisidlan ng mainit na tubig at sabong panlaba.
Larawan: Nakalagay ang sabong panlaba sa bote ng softdrink. Malaking ekis.
Tagapagsalaysay: Huwag gumamit ng anumang bote ng inumin upang lagyan ng mga sabong panlaba o iba pang mga kemikal. Delikado ito kung mapagkamalan ng mga bata na inumin ang mga ito!
Pamagat: Pagiging Ligtas sa Banyo
Tagapagsalaysay: Pagiging ligtas sa sa banyo
Larawan: Maayos na banyo
Larawan: Hindi maayos na banyo.
Tagapagsalaysay: Gumawa rin ng mga pag-iingat sa banyo. Puno ito ng mga patibong.
Sub-heading: Panatilihing nakasara ang pintuan ng banyo
Larawan: Nakasara ang pintuan ng banyo
Tagapagsalaysay: Palaging panatilihing nakasara ang pintuan ng banyo upang maiwasan ang pagpasok ng iyong anak sa banyo.
Sub-heading: Panatilihing natatakpan ang kubeta
Larawana: Natatakpan ang kubeta
Tagapagsalaysay: Bukod sa pagiging malinis, ang pagtakip lagi ng kubeta ay makakapigil din na ipasok ng iyong anak ang kanyang ulo sa inidoro.
Sub-heading: Panatilihing malinis at tuyo ang banyo
Larawan: Tubig sa sahig ng banyo. Malaking ekis
Larawan: Isang tuyong banyo
Tagapagsalaysay: Ang pagpapanatiling tuyo ng banyo ay makakaprotekta sa iyong anak mula sa pagkakadulas sa sahig.
Sub-heading: Maglagay ng anti-slip mat sa bathtub
Larawan: Isang anti-slip mat sa bathtub
Tagapagsalita: Kung gumagamit ka ng isang bathtub, maglagay ng isang anti-slip mat sa loob.
Sub-heading: Ilayo ang mga lalagyang may tubig
Larawan: Nakalagay sa sahig ng banyo ang isang timba. Malaking ekis.
Tagapagsalita: Huwag iwanan ang mga lalagyan na puno ng tubig sa paligid. Maaaring malunod ang mga bata kung mahuhulog sila dito.
Sub-heading: Gumamit ng plastik na baby bath
Larawan: Naliligo ang baby sa isang plastik na baby bath
Tagapagsalaysay: Gumamit ng isang plastik na bath upang paliguan ang iyong sanggol sa bathtub.
Larawan: Pinaliliguan ng Ina ang kanyang sanggol.
Tagapagsalaysay: Huwag na huwag iwanan ang iyong sanggol sa paliguan nang mag-isa, kahit na sandali lang.
Sub-heading: Ihanda ang lahat ng item
Larawan: Mayroon si Mommy ng lahat ng kinakailangang item sa paliligo.
Tagapagsalaysay: Kaya, patiunang ihanda ang lahat ng item para sa paliligo.
Sub-heading: Palaging unahin ang paglagay ng malamig na tubig bago ang mainit
Larawan: Paglalagay ng malamig na tubig sa palangganang paliguan.
Tagapagsalaysay: Kapag naghahanda ng paliguan para sa iyong anak, palaging unahin ang paglalagay ng malamig na tubig bago ang mainit.
Sub-heading: Subukan ang temperatura ng tubig gamit ang iyong siko
Larawan: Sinusubukan ni Mommy ang temperatura ng tubig gamit ang kanyang siko
Tagapagsalaysay: Pagkatapos, subukan ang temperatura ng tubig gamit ang iyong siko bago paliguan ang iyong sanggol.
Pamagat: Pagiging Ligtas sa Silid-tulugan
Tagapagsalaysay: Pagiging ligtas sa silid-tulugan
Larawan: Silid-tulugan (1)
Larawan: Silid-tulugan (2)
Tagapagsalaysay: Tiyaking may ligtas na kapaligiran sa pagtulog ang iyong anak upang maprotektahan siya mula sa mga peligro.
Sub-heading: Ilagay ang kuna malapit sa iyong kama
Larawan: Nasa tabi ng kama ng mga magulang ang kuna
Tagapagsalaysay: Kung maaari, hayaang matulog ang iyong sanggol sa kanyang kuna at ilagay ang kuna sa tabi ng iyong kama.
Sub-heading: Naaangkop na laki ng kutson
Larawan: Ang laki ng kutson ay akma sa laki ng kuna ng sanggol.
Tagapagsalaysay: Ang kutson ay dapat akma sa laki ng kuna ng sanggol. Kung may siwang, ang maliit na ulo ng sanggol ay maaaring ma-trap at maaaring hindi siya makahinga bilang resulta. Dapat ay walang anumang malalambot na bagay o nakaipit na mga kumot sa kama. Nakakatulog nang mahimbing ang isang sanggol nang walang unan.
Sub-heading: I-lock ang mga bar ng kuna
Larawan: Natutulog ang isang sanggol sa kuna n naka-lock ang mga bar
Tagapagsalaysay: Tiyaking naka-lock ang mga bar upang maiwasang mahulog ang iyong sanggol sa sahig kapag nasa kuna.
Sub-heading: Ang distansya sa pagitan ng mga patayong bar ay hindi dapat lumampas sa 6cm
Larawan: Ipinapakita ang distansya sa pagitan ng mga patayong bar ay mas mababa sa 6cm
Tagapagsalaysay: Ang distansya sa pagitan ng mga patayong bar ay hindi dapat lumampas sa 6 cm o 2.5 pulgada. Maaaring ilabas ng mga sanggol ang kanilang ulo at hindi na makaalis kung masyadong malayo ang pagitan ng mga bar.
Sub-heading: Ang taas ng rehas ay dapat mas mataas sa 3/4 ng taas ng iyong anak
Larawan: Nakatayo ang isang batang paslit sa kuna
Larawan: Ang taas ng rehas ay hindi bababa sa 3/4 ng taas ng sanggol
Tagapagsalaysay: Ang taas ng rehas ng kuna ay dapat mas mataas sa 3/4 ng taas ng iyong sanggol.
Larawan: Nakaupo sa sopa ang isang sanggol nang mag-isa. Malaking ekis.
Larawan: Nag-iisa ang isang sanggol sa kama na walang mga bantay. Malaking ekis.
Tagapagsalaysay: Huwag na huwag iwanang mag-isa ang iyong sanggol sa sopa o kama nang walang mga bantay, kahit na ito ay sandali lang.
Larawan: Malapit sa kuna ng sanggol ang isang panali ng kurtina. Malaking ekis.
Tagapagsalaysay: Tiyakin na ang mga panali ng kurtina ay hindi naaabot ng iyong anak. Ang iyong anak ay maaaring masakal at hindi makahinga kapag nasabit ang kanyang leeg dito.
Larawan: Isang bunk bed
Tagapagsalaysay: Mag-ingat kung mayroon kayong bunk bed sa bahay.
Sub-heading: Mag-install ng isang ligtas na hagdan
Larawan: Isang ligtas na hagdan sa bunk bed.
Tagapagsalaysay: Nakakaiwas sa aksidente ang isang ligtas na hagdan.
Sub-heading: Gumamit ng mga foam mat
Larawan: Ang isang foam mat ay inilagay malapit sa kama
Larawan: Isang foam mat
Tagapagsalaysay: Maaari ka ring magdagdag ng proteksyon sa pamamagitan ng paglalagay ng mga foam mat sa sahig.
Larawan: Isang bunk bed na may ligtas na mga safety bar
Larawan: Nakadikit sa dingding ang isang bunk bed
Tagapagsalaysay: Ang itaas na kama ay dapat lagyan ng mga ligtas na safety bar na naaangkop ang taas.
Sub-heading: Idikit ang bunk bed sa dingding
Tagasalaysay: Huwag mag-iwan ng espasyo sa pagitan ng kama at dingding dahil maaaring maipit ng mga bata rito.
Larawan: Nakikipag-usap si Mommy sa kanyang anak na lalaki (2 taong gulang) sa pintuan ng kusina na may isang tarangkahan sa pagitan.
Tagapagsalaysay: Kaya, mahalagang bantayang mabuti ang iyong mga anak at bigyan sila ng edukasyon sa kaligtasan kung naaangkop.
Larawan: Sama-samang nagbabasa ng kuwento ang isang pamilya.
Tagapagsalaysay: Kaya manatiling alerto! Karamihan sa mga pinsala ay maaaring maiwasan kapag gumagawa ng mga pag-iingat.
Katapusang Shot: Logo ng Department of Health
Pagmamay-ari ng Department of Health ang copyright ng digital video na ito.
Ang digital video na ito ay ginawa lamang para sa di-komersyal na paggamit.
Hindi ito dapat rentahan, ibenta o hindi kaya ay gamitin para sa mga layunin upang kumita.
Ginawa noong 2015
以上影片由衞生署家庭健康服務提供
© 2023 Healthy Seed