Healthy Seed

建立嬰兒睡前常規(菲律賓語)收藏

建立嬰兒睡前常規(菲律賓語)分享

成長學習 | 0至12個月

合作伙伴衞生署家庭健康服務

建立嬰兒睡前常規(菲律賓語)

27.03.2023

在【外傭實用資訊】欄目中,有多則由衞生署家庭健康服務提供,照顧嬰幼兒日常生活的影片或文章供外傭參考和學習,例如想知識怎樣建立嬰兒睡前常規?立即看看影片。

 

家長們如果都想知道以上內容,可瀏覽以下中文版本的連結:

 

http://bit.ly/40EVhXs

 

 

Titulo: Ang pagdedebelop ng regular na rutin sa pagtulog

 

Eksena: Nakikipaglaro si Daddy kay baby.

 

Ina: Baby, oras na para matulog.

 

Daddy: Ay, pagod na siya ngayon. Hayaan mo siyang matulog sa aking mga bisig.

 

Ina: Hindi ‘yan magandang ideya. Matutulog lang si baby kapag kakargahin mo siya. Sa katunayan, tinulungan ko na siyang makadebelop ng isang regular na rutin sa pagtulog.

 

Daddy: Regular na rutin sa pagtulog?

 

Ina: Oo

 

Tagapagsalayasay: Kapag umabot na ng 2 hanggang 3 buwan ang iyong sanggol, matutulungan mo siyang magdebelop ng regular na rutin sa pagtulog. Ito ay tungkol sa pag-uugnay sa tulog sa mga partikular na ginagawa ng iyong sanggol araw-araw. Sa ganitong paraan, natututo ang mga sanggol na makatulog nang mag-isa pagkatapos ng sunud-sunod ng mga aktibidad. Ang mga sanggol ay may magkakaibang katangian. Matutulungan mo ang iyong sanggol na magdebelop ng mga rutin sa pagtulog ayon sa kanyang mga katangian at ugali. Narito ang dalawang halimbawa.

 

Sub-heading: Pakainin ang iyong sanggol. Padighayin ang iyong sanggol. Kumanta ng isang himig. Kapag inaantok ang iyong sanggol, ilagay ang siya sa kama. Patayin ang ilaw.

 

Tagapagsalaysay: Pakainin ang iyong sanggol. Padighayin siya at kantahan siya ng isang himig. Kapag inaantok ang iyong sanggol, ilagay siya sa kama. Patayin ang ilaw.

 

Tagapagsalayasay: Narito ang isa pang halimbawa.

 

Sub-heading: Paliguan ang iyong sanggol. Pakainin ang iyong sanggol. Padighayin ang iyong sanggol. Kausapin ang iyong sanggol. Ilagay ang iyong sanggol sa kama. Magpatugtog ng malumanay na musika. Hinaan ang ilaw.

 

Tagapagsalayasay: Paliguan mo ang iyong sanggol. Pakainin ang iyong sanggol. Padighayin mo siya. Kausapin nang kaunti ang iyong sanggol. Ilagay ang iyong sanggol sa kama kapag inaantok na siya. Magpatugtog ng malumanay na musika at pahinaan ang ilaw. Hayaan siyang makatulog nang kusa. Ang pagdedebelop ng regular na rutin sa pagtulog ng sanggol ay mas magpapadali sa pag-aalaga mo sa kanya.

 

 

以上影片由衞生署家庭健康服務提供

 

 

© 2023 Healthy Seed

 

 

Healthy Seed