在【外傭實用資訊】欄目中,有多則由衞生署家庭健康服務提供,照顧嬰幼兒日常生活的影片或文章供外傭參考和學習,例如想知紅外線耳温計的使用步驟?立即看看影片。
家長們如果都想知道以上內容,可瀏覽以下中文版本的連結:
http://bit.ly/3Kcq8VU
Titulo: mga hakbang sa paggamit ng infrared tympanic thermometer
Tagapagsalaysay: Bago gamitin ang tympanic thermometer, regular na i-calibrate ito alinsunod sa instruksiyon ng gumawa. Gumamit ng isang bagong probe cover sa thermometer sa tuwing gagamit. Ituwid ang kanal ng tainga ng sanggol upang matukoy nang tama ang temperatura. Para sa mga sanggol na wala pang isang taong gulang, deretsong hilahin paatras ang kanilang mga tainga. Para sa mga batang mahigit isang taong gulang at sa mga adult, hilahin paatras at pataas ang kanilang mga tainga. Sa bawat pagkakataon, kumuha ng 3 pagsusuri para sa parehong tainga at kunin ang pinakamataas na reading bilang temperatura ng sanggol. Palaging sumangguni sa instruksiyon ng gumawa para sa normal na inaabot ng temperatura, dahil paiba-iba ito sa iba't ibang mga brand at modelo. Linisin ang probe ayon sa instruksiyon pagkatapos ng bawat paggamit. Itapon ang probe cover pagkatapos gamitin.
以上影片由衞生署家庭健康服務提供
© 2023 Healthy Seed